Sandali

Sa gitna ng pila. Sa loob ng mall. Sa siksikang jeep. Sa Facebook. Sa may yosihan sa labas ng opisina.
Ang mga kuwento sa librong ito ay tungkol sa mga simpleng sandali sa buhay ng mga kung sino-sino. Mga sandaling minsa’y itinatago, minsa’y naaalala, ngunit madalas ay lumilipas lang nang walang ibang nakakaalam.
- Difficulty: Easy - Medium
- Comic
- Genre: Slice of Life
Sandali is a series of slice-of-life, short story comics focusing on the relatable and existential. Ranging from heartbreak over a past relationship, a jeepney ride, or someone trying to follow their passion, each story shows one perspective to readers before a pull-back-and-reveal ending provides depth, nuance, and emotional weight. If there’s a lesson to be learnt, it is the importance of empathy, to go beyond our pre-judgements of others. Sandali is our timely reminder that when it comes to people, there’s more to someone than meets the eye.
Janus Sílang Series

Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sa iba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!
- Difficulty: Medium
- Book
- Genre: Fantasy/Mystery/Young Adult
This young adult classic fuses Filipino mythology with online gaming. Mystery deaths and a mystery contact leads protagonist, Janus Sílang, into a world of mythical creatures and personal drama. Readers are also treated to the varying registers of Tagalog: the conversational, the formal, the conyo, the Tagalog equivalent of spelling words “lyk dis”, and full-blown, old-school Tagalog with outdated spellings. A serious page turner from an award-winning series!
Dekada ‘70

Si Amanda Bartolome ay isang pangkaraniwang babae—asawa ni Julian at ina ng limang anak na lalaki. Sa kanilang subdibisyon, pinakamalaking problema na niya ang mga kapitbahay nilang hindi na natapos magreklamo tungkol sa mga malokong batang Bartolome.
Ngunit ang panahon ng martial law ay hindi pangkaraniwang panahon. Sa pangunguna ng panganay nilang si Jules at ang kanyang pagsabak sa madugong rebolusyon, di maiiwasang harapin ng pamilya ang karahasan ng batas militar. Habang ang kanyang mga anak ay hinuhubog ng malagim na dekada, at nahahanap ang kanya-kanyang sariling adhikain sa gitna ng kaguluhan, tinatanong at tinutuklas din ni Amanda ang sarili kung ano nga ba ang kanyang tungkulin at kakanyahan bilang ina, bilang babae, bilang Pilipino.
- Difficulty: Medium
- Book
- Genre: Historical Fiction
What’s ostensibly a story about Amanda Bartolome and her family, Dekada ’70 is an historical fiction novel that reflects on activism, martial law, and second wave feminism. The personal and political are intertwined via 70s slang words and colloquial spelling. In short, Dekada ’70 is a time capsule for what life was like in the Marcos era.